^

Metro

2 dinedo ng drug suspects

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon
2 dinedo ng drug suspects

MANILA, Philippines — Pinatay sa saksak ang dalawang lalaki ng dalawang pinaniniwalaang drug suspects matapos  magtalo na may kaugnayan sa droga, samantalang isang babae na  sinaksak din ng mga ito ang malubhang nasugatan,  kamakalawa ng gabi sa Taguig City.

Nakilala ang mga nasawi na sina   Joseph Mendoza, 42, isang truck helper at Salvador Nirza, 34, kapwa residente ng Block 1, Purok 13, South Daanghari ng nabanggit na lungsod.

Nilalapatan naman ng lunas sa hindi binanggit na ospital  ang sugatang si Sharon Lagumbay, 37, ng San Mateo, Rizal, na nagtamo rin ng saksak sa katawan.

Nagsasagawa na ng follow-up operation ang mga pulis laban sa mga suspek na sina Ricky Runcales, 43 at isang alyas Kalbo, kapwa ng nabanggit na lugar.

Sa report na natanggap ng hepe ng Taguig City Police na si Sr. Supt. Alexan­der Santos,  naganap ang insidente alas-9:30 kamakalawa ng gabi  sa PNR Site, Block 1, Purok 13, Brgy. South Daanghari ng naturang siyudad.

Nabatid na pinuntuhan ng mga suspek ang mga biktima upang komprontahin ang mga ito na may kaugnayan sa ilegal na  transaksyon sa droga.

Sa kasagsagan ng pagtatalo, dito na  bumunot ng patalim ang mga suspek at pinagsasaksak ang mga biktima.

Sinaksak din ng mga suspek ang kasamang babae ng mga biktima na si Lagumbay at pagkatapos ay mabilis na nagsitakas ang mga ito.

Patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon sa naganap na krimen.

vuukle comment

DRUG SUSPECTS

ILLEGAL DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with