^

Metro

‘Taho-thrower’ sa MRT, ipapa-deport

Mer Layson, Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
�Taho-thrower� sa MRT, ipapa-deport
Ang wa­lang ga­lang na estudyanteng Chinese national na si Jiale Zhang nang kuhanan ng mugshot makara­ang ares­­tuhin ng mga otoridad sa ginawang pambabastos sa naka-unipormeng pulis na si PO1 William Cristobal (kanang larawan) nang sabuyan ito ng taho nang pagbawalang papasukin sa MRT-3 Boni Station dahil sa ipinapatupad na security measures.

MANILA, Philippines — Bukod sa kakasuhan, plano ring ipa-deport ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) ang bastos na Chinese female student na nanaboy ng taho sa naka-unipormeng pulis na nakatalaga sa Metro Rail Transit line-3 (MRT-3) sa Boni Station sa Mandaluyong City noong Sabado ng umaga.

Sinabi ni NCRPO chief, P/Director Guillermo Eleazar na irerekomenda nila na ikunsidera na maging “undesirable alien” si Jiale Zhang, 23 na magiging basehan para sa deportas­yon ng Bureau of Immigration (BI).

“Hindi lang naman sa kanya isinasagawa ito kundi sa lahat. Kahit sino sa atin na nandito, pagganyan ang gagawin mayroong corresponding action na dapat gawin ang ating mga pulis,” ayon kay Eleazar.

We can’t just imagine kung paano at kung gaano kawalang-galang. Siyempre kahihiyan ito sa ating uniporme,” dagdag ng he­neral.

Samantala, bago ito ay plano naman ng pamunu­an ng Department of Transportation (DOTr) na tuluyan nang  i-ban ang nasabing Chinese national sa MRT-3.

Ayon kay DOTr Assistant Secretary for Communication Goddes Hope Libiran, nais nilang sampulan at bigyan ng leksiyon si Zhang upang hindi na ito pamarisan ng iba at sa halip ay sumunod sa kanilang panuntunan.

“We want to emphasize to the public na may mga rules kami na dapat sundin para na rin sa inyong kaligtasan” sabi ni Libiran sa mga pasahero ng MRT-3.

Aniya, malalaman sa susunod na linggo ang kanilang desisyon kung magiging permanente o pansamantala lamang ang ipapataw nilang ban kay Zhang.

vuukle comment

JIALE ZHANG

METRO RAIL TRANSIT LINE-3

TAHO-THROWER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with