^

Metro

Rider salpok sa poste, dedo

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang manager ng pribadong kompanya ang nasawi makaraang sumalpok sa konkretong poste ng kuryente nang mawalan ng kontrol sa minamanehong motorsiklo, kahapon ng madaling araw sa Valenzuela City.

Inisyal na nakilala ang nasawi na si Jeff Sales, 27, binata ng Karuhatan Road, Brgy. Karuhatan, ng naturang lungsod.

Sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong ala-1 ng madaling araw sa may Gen. T. De Leon Road sa Brgy. Gen. T. De Leon, ng naturang lungsod.

Nabatid na sakay si Sales ng kanyang motorsiklo patungo sa direksyon ng MacArthur Highway nang biglang tumama ang kanyang gulong sa gutter ng bangketa dahilan para mawalan siya ng kontrol sa pagmamaneho.

Dito, tumilapon sa motorsiklo si Sales at sumalpok sa konkretong poste ng kuryente sa gilid ng kalsada na nagresulta ng matinding pinsala sa ulo.

Naisugod naman sa Valenzuela City Medical Center   si Sales ngunit hindi na umabot ng buhay nang ideklarang dead on arrival dakong ala-1:35 ng madaling araw.

Biniberepika ng mga imbestigador kung nakaidlip si Sales habang nagmamaneho kaya nawalan ng kontrol sa pagmamaneho.

vuukle comment

ACCIDENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with