^

Metro

Metro Manila police inatasang makipag-usap sa Muslim communities

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Metro Manila police inatasang makipag-usap  sa Muslim communities
Sa pagbisita kahapon ng umaga ni Eleazar sa Northern Police District (NPD), inatasan niya si P/Chief Supt. Rolando An­du­yan na makipag-ugna­yan sa mga pinuno ng mga kapatid na Muslim na naninirahan sa Calo­o­can, Malabon, Navotas at Valenzuela City.
Michael Varcas

MANILA, Philippines — Inatasan kahapon ni National Capital Regional Police Office (NCRPO) chief, P/Director Guillermo Eleazar ang mga police districts na makipagpulong sa mga pinuno ng mga Muslim communities sa kanilang mga lugar makaraan ang naganap na pambobomba sa Jolo, Sulu.

Sa pagbisita kahapon ng umaga ni Eleazar sa Northern Police District (NPD), inatasan niya si P/Chief Supt. Rolando An­du­yan na makipag-ugna­yan sa mga pinuno ng mga kapatid na Muslim na naninirahan sa Calo­o­can, Malabon, Navotas at Valenzuela City.

Ito ay upang mapag-usapan ang mga hakbang para matiyak ang kapayapaan  at makabuo ng parehong aksyon para mapa­nga­lagaan ang kaligtasan ng bawat mamamayan laban sa mga posibilidad ng pag-atake ng mga tero­rista.

Ipinaalala ni Eleazar na nananatili ang full alert status sa Metro Manila habang nanawagan sa publiko na maging mapagmatyag laban sa mga kahina-hinalang galaw ng sinuman at makipagtulungan sa pulisya sa pamamagitan ng agarang pag-uulat ng mga pinaghihinalaang tao o gamit na iniwan.

Sa kabila nito, iginiit ng heneral na patuloy ang pagpapaigting ng mga ope­rasyon kontra sa iligal na droga, loose firearms, at pagsasagawa ng 24 oras na checkpoints sa mga istratehikong lugar.

 Matapos ang pagbisita, nagtungo naman si Eleazar sa LRT Monumento sta­tion at nagsagawa ng inspeksyon upang matiyak na alerto ang mga security personnel at mga pulis na nakatalaga at tama ang isinasagawang inspeksyon sa mga gamit ng mga pasahero. 

vuukle comment

GUILLERMO ELEAZAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with