^

Metro

Mahigpit na seguridad, dagdag na checkpoints sa MM

Lordeth Bonilla - Pilipino Star Ngayon
Mahigpit na seguridad, dagdag na checkpoints sa MM
Kahapon ay agad na pinangunahan ni Eleazar ang inspeksyon sa ilang mga vital intallations sa Kalakhang Maynila kabilang ang MRT at LRT stations.
Edd Gumban

Matapos ang pambobomba sa Cathedral sa Jolo

MANILA, Philippines — Matapos isailalim sa ‘full heightened  alert status’ ang buong bansa, mag­papatupad  ng mahigpit na seguridad at mas darag-dagan at palalakasin ang mga checkpoint sa buong Kalakhang Maynila.

Ito ang inihayag kaha-pon ni National Capital Regional Police Office (NCRPO) Director Guiller­mo Eleazar kaugnay pa rin sa naganap na pagpapa-sabog sa isang cathedral sa Jolo, Sulu na ikinasawi ng 20 katao at pagkasugat     ng 100 pang indibiduwal.

Kaugnay nito, mariing  inatasan ni Eleazar ang lahat ng district directors, chief of police at comman­ders, na higit aniyang pa­ig­tingin pa ang mga checkpoints at maging ang mga entry at exit points sa Metro Manila.

Ito’y upang hindi malusutan ng  masasamang ele­mento lalo na yung maghahasik ng karahasan tulad     ng grupo ng mga terorista.

Magsasagawa nang mahigpit na pagbabantay sa mga matataong lugar tulad ng mga simbahan, shopping malls at terminals.

Kahapon ay agad na pinangunahan ni Eleazar ang inspeksyon sa ilang mga vital intallations sa Kalakhang Maynila kabilang ang MRT at LRT stations.

Nanawagan din ang NCRPO sa publiko na tulu-ngan sila, sa pamamagitan na maging alerto  at maging mapagmatyag sa lahat ng oras  24/7.

Sakali aniyang may na­pupunang mga kahina-hinalang pagkilos ng ilang indibiduwal at ilang grupo sa kanilang lugar ay agad itong i-report sa mga hotlines ng himpilan ng pulisya upang kaagad itong ma- res­pondehan. 

vuukle comment

CHECKPOINT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with