^

Metro

Clerk, kinatay sa loob ng kanyang bahay

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Clerk, kinatay sa loob  ng kanyang bahay
Sinabi ng pamangkin ng biktima na nakilalang si Val Be­nedict Gonzales, matagal na umanong solong naninirahan sa nasabing address ang kanyang tiyuhin.Aniya, dahil hindi niya makontak sa kanyang cellphone ang kanyang tiyuhin kaya minabuti na niyang puntahan ito sa kanyang kuwarto subalit naka-locked umano ang main door nito.

MANILA, Philippines — Isang clerk ang pinagsasaksak hanggang sa mapatay ng hindi pa nakikilalang suspek sa loob ng kanyang bahay sa Quezon City, kamakalawa ng umaga. Sa naantalang ulat ni P/Insp. Nick Fontanilla, ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ng Quezon City Police District (QCPD), nabatid na ang biktima ay nakilalang si Salvador Mendoza Alcantara, 53, clerk at residente ng 14th Avenue, Brgy. Socorro, Murphy Cubao.Ayon sa report, natagpuan na duguan at may pitong saksak ng kutsilyo sa katawan ang biktima sa kanyang silid dakong alas-9:30 ng umaga. Sinabi ng  pamangkin ng biktima na nakilalang si Val Be­nedict Gonzales, matagal na umanong solong naninirahan sa nasabing address ang kanyang tiyuhin.Aniya, dahil hindi niya makontak sa kanyang cellphone ang kanyang tiyuhin kaya minabuti na niyang puntahan ito sa kanyang kuwarto subalit naka-locked umano ang main door nito. 

Dahil dito ay puwersahang binuksan ni Gonzales ang pintuan at nang makapasok ay bumungad sa kanya ang duguang nakahandusay na katawan ng tiyuhin. Nagsasagawa pa ng masu­sing imbestigasyon ang pulisya para matukoy ang salarin at mabatid ang motibo ng krimen.

vuukle comment

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with