^

Metro

Estrella-Pantaleon Bridge, isasara na next week

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon
Estrella-Pantaleon Bridge, isasara na next week
Ito ang inilabas kahapon na traffic advisory ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

MANILA, Philippines — Asahan na ang mas ma-trapik  na daloy ng trapiko sa ilang lugar sa Metro Manila dahil sa Enero 12 (Sabado) ay  isasara na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang Estrella-Pantaleon Bridge sa Makati City.

Ito ang inilabas kahapon na  traffic advisory  ng Metropolitan  Manila Development Authority (MMDA).

Sabi ng MMDA, sa ganap na alas-8:00 ng umaga ng Enero 12, araw ng Sabado  isasara ang nabanggit na tulay, bunsod nang isasagawang demolition at recons­truction ng DPWH dito, na dapat noon pang Setyembre 2018 isasagawa.

Ang nasabing tulay ay nag-uugnay sa Makati at Mandaluyong City.

Sa isasagawang reconstruction sa Estrella-Panta-leon Bridge ay upang laparan ito na mula sa dalawang lanes ay gagawin itong apat na lanes.

Nabatid na ang timeline ng  DPWH sa naturang proyekto  ay para makumpleto ang konstruksiyon nito sa 2021.

Kung kaya’t mariing pa­alala ng MMDA sa maa­pek­tuhang motorista, na mas makakaranas sila ng masikip na daloy ng trapiko.

vuukle comment

ESTRELLA-PANTALEON BRIDGE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with