^

Metro

NCRPO umalerto sa pagdagsa ng mananakay

Lordeth Bonilla, Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Todo-bantay na ang  National Capital Region Police Office (NCRPO) sa mga istasyon ng bus at mga daungan sa bansa dahil sa patuloy na pagdag­sa ng mga mananakay na papauwi sa kanilang mga probinsya ngayong kapaskuhan.

Ayon kay NCRPO Chief Director Guillermo Eleazar, ito ay upang masiguro ang seguridad ng publiko na bibiyahe patungong mga lalawigan.

Bukod dito, libu-libong kasapi rin ng pulisya ang nagbabantay sa mga mall at shopping centers.

Sinabi pa ni Eleazar na nasa 7, 800 ang naka-deploy na mga anti-criminality effort kung saan 400 dito ay nakatalaga para ipagpatuloy ang araw-araw na paglaban sa kriminalidad.

Magtataas din umano ng alert status ang kapulisan kung ito ay kinakailangan.

vuukle comment

GUILLERMO ELEAZAR

NATIONAL CAPITAL REGION POLICE OFFICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with