^

Metro

2 gunrunner todas sa buy-bust

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
2 gunrunner todas sa buy-bust
Sa inisyal na ulat ng Navotas City Police, alas-4:15 ng madaling araw nang magkasa ang entrapment operation laban sa isang gunrunning syndicate sa may C3 Road, Brgy. North Bay Boulevard North Dagat-Dagatan.
File Photo

MANILA, Philippines — Patay ang dalawang hindi pa nakilalang gunrunner nang makipagbarilan sa mga pulis na nagkasa ng entrapment operation laban sa sindikato sa Navotas City, kahapon ng madaling araw.

Sa inisyal na ulat ng Navotas City Police, alas-4:15 ng madaling araw nang magkasa ang entrapment operation  laban sa isang gunrunning syndicate sa may C3 Road, Brgy. North Bay Boulevard North Dagat-Dagatan.

Isang poseur buyer ng pulisya ang bumili ng isang kalibre .38 buhat sa dalawang suspek.  Nang maiabot ang baril, nakahalata ang mga suspek na pulis ang kanilang katransaksyon kaya kapwa nagbunot ng kanilang mga armas at pinaputukan ang mga operatiba.

Naging alerto naman ang nagpanggap na buyer kaya hindi ito tinamaan. Gumanti naman ng putok ang mga nakaantabay na mga pulis na nagresulta sa pagkakapaslang sa mga suspek.

Narekober ng pulisya ang isang kalibre .45 at isang kalibre .38 na mga baril na ginamit ng mga suspek sa pakikipagbarilan, mga bala at ang kalibre .38 na kanilang ibinebenta sa buyer.  Nakumpiska rin sa posesyon ng mga supsek ang apat na plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu.

Patuloy na inaalam ng pulisya ang pagkakaki­lanlan sa mga suspek na hinihinalang nagsusuplay ng baril sa mga sindikato ng droga at iba pang mga kriminal tulad ng mga “gun-for-hire”.

vuukle comment

DRUG WAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with