^

Metro

Dismis na empleyado ng MARINA, timbog sa pekeng seaman certificates

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Dismis na empleyado ng MARINA, timbog sa pekeng seaman certificates
Iniharap sa media ni NBI director Dante Gierran ang suspek na si Malone Morales, 28, dating empleyado ng Standards of Training, Certification and Watchkeeping (STCW) – Surveillance Division ng Marina.

MANILA, Philippines — Isang dating empleyado ng Maritime Industry Autho­rity  (MARINA) ang dinakip ng mga ahente ng National Bureau of Investigation-Anti Organized and Transnational Crime Division (NBI-AOTCD)  sa isang entrapment operation  kaugnay sa  pagre-release ng pekeng legal certificates sa pagiging seaman kapalit ng malaking halaga.

Iniharap sa media ni NBI director Dante Gierran ang suspek na si Malone Morales, 28, dating empleyado ng Standards of Training, Certification and Watchkeeping (STCW) – Surveillance Division ng Marina.

Nabatid na nagpasaklolo sa NBI ang isang aplikante ng certificates of proficiency ng MARINA dahil sa hinihinging P20,000 kapalit ng pagpapalabas umano ng nasabing dokumento.

Sa halip na magbigay ng pera, nagpasya ang complainant na idulog sa NBI na nagkasa ng operasyon.

Patuloy pang inaalam ng NBI ang pangalan ng isa pang  kasabwat  ng suspek na may hawak umano ng contact numbers ng seafarers.

Nalaman na nagpapanggap umanong abogado si Morales at nag- aalok ng kanyang serbisyo sa mga seafarers para ayusin ang mga kulang nilang dokumento sa halagang P10,000 hanggang P20,000.

Si Morales umano ang nasa likod ng pamemeke ng mga lagda ng mga opisyal sa marina sa legal certificates na kailangan para sa pagproseso ng STCW.

Isa umano si   Morales sa nasibak sa MARINA kaugnay sa kontrobersiyal na leakage ng examination questionnaires para sa Marine Officers Licensure Examination noong nakalipas na taon.  

vuukle comment

DANTE GIERRAN

MARITIME INDUSTRY AUTHO­RITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with