^

Metro

P3 -M shabu nasamsam: 2 timbog

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon
P3 -M shabu nasamsam: 2 timbog
Ang nadakip na dalawang big time ‘tulak’ na sina Jayson Esguerra at Rodolfo Dejos kung saan nasamsam sa kanila ang mahigit sa kalahating kilo ng shabu na nagkakahalaga ng nasa P3–M sa operasyon sa Taguig City.
Kuha ni Miguel De Guzman

MANILA, Philippines — Tinatayang mahigit sa P3 milyong halaga ng shabu ang nakumpiska mula sa nadakip na dalawang drug pusher sa operasyong isinagawa ng Regional Drug Enforcement Unit nitong Biyernes ng gabi sa Taguig City.

Nakakulong ngayon sa NCRPO ang mga suspect na sina Jayson Esguerra at Rodolfo Dejos, kapwa taga- Brgy. Manuel ng naturang lungsod.

Ayon sa tanggapan ni NCRPO Director Guillermo Eleazar, Biyernes ng gabi nang magkasa ng buy-bust operation ang kanyang mga tauhan kontra sa mga suspect sa nabanggit na barangay.

Ito’y matapos silang makatanggap ng report hinggil sa pagtutulak ng droga ng mga suspect. Nakumpiska mula sa mga suspect ang mahigit sa kalahating kilong shabu na nagkakahalaga ng nasa  P3  milyon na nakalagay sa anim na plastic bag, 150 pirasong anti-depressed drugs, marked money na halagang P1,000.00 at budol money.

Nabatid na inamin ng isa sa mga suspect na si Esguerra, na napag-utusan lamang sila ng isa nilang kaibigan na nakakulong sa Metropolitan Manila District Jail sa Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig City.

Inamin din nito na nagbabagsak din sila ng droga sa area ng Taguig, Pasig  City at Cainta, Rizal.

Ang mga suspect ay sinampahan ng kasong paglabag sa pagbebenta ng ipinagbabawal na gamot.

vuukle comment

DRUG PUSHER ARRESTED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with