^

Metro

Ex-Manila police bulagta sa ambush

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Ex-Manila police bulagta sa ambush
Kinilala ni Manila Police District (MPD) director, Senior Supt. Vicente D. Danao ang nasawi na si PO3 Rodrigo Asuan Jr., 40, residente ng Ampioco St., Balut, Tondo, Maynila dahil sa mga tinamong tama ng bala sa likod.

MANILA, Philippines — Dead-on-the-spot ang isang dating pulis nang tambangan ng riding-in-tandem habang sakay ng motor- siklo sa Balut, Tondo, Maynila, ka­makalawa ng hapon.

Kinilala ni Manila Police District (MPD) director, Senior Supt. Vicente D. Danao ang nasawi na si PO3 Rodrigo Asuan Jr., 40, residente ng Ampioco St.,  Balut, Tondo, Maynila dahil sa mga tinamong tama ng bala sa likod.

Ayon sa ulat, dakong alas-3:15 nang maganap ang pamamaril sa hara-pan ng T. Paez Elementary School sa panulukan ng Younger at Rodriguez St.,  Balut, Tondo, Maynila.

Sa imbestigasyon, patu­ngo sana sa Blumentritt sa Sta. Cruz, Maynila ang biktima para bumili ng negosyong mga itlog nang buntutan ng hindi pa kilalang mga suspek na magka-angkas sa motorsiklo at nang madikitan ay pinagbabaril nang nakatalikod hanggang sa bumagsak.

Hindi pa tukoy ang pagkakakilanlan sa mga naka­takas na suspek maging ang motibo sa pamamaslang.

Sinabi ni Danao na ang biktima ay nadismis sa Philippine National Police matapos na mag-AWOL. Huling assignment ng biktima ang MPD-Station 7, sa Abad Santos St., Tondo.

Blangko pa ang pulisya sa motibo sa krimen ha­bang patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon sa insidente. 

vuukle comment

AMBUSH

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with