Pedestrian patay sa rider na pulis
MANILA, Philippines — Isang pedestrian ang namatay nang mahagip ito nang sumemplang na motorsiklo na minamaneho ng isang pulis sa Parañaque City, kamakalawa.
Dahil sa matinding pinsala sa ulo at katawan, dead on arrival sa Ospital ng Parañaque ang biktimang si Efren Tibunsay, 47.
Nilalapatan naman ng lunas sa Uni-Health Medical Center ang motorcycle rider na si PO2 Randy Morales, 38, nakatalaga sa PCP 3 ng Las Piñas City police.
Sa report na natanggap ng Southern Police District (SPD), naganap ang aksidente alas-9:30 ng umaga sa kahabaan ng Dr. A Santos Avenue, Brgy. BF Homes, Parañaque City.
Nabatid, na minamaneho ni Morales ang isang Yamaha Mio 125 motorcycle sa nabanggit na lugar, nang bigla umanong mawalan ng kontrol at sumemplang at mabangga ang tumatawid na si Tibunsay.
Mabilis na rumesponde ang Parañaque City Rescue Team at dinala si Tibunsay sa ospital, subalit hindi na umabot nang buhay.
- Latest