^

Metro

Eskuwelahan sa Maynila, binulabog ng bomb threat

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nabalot ng takot at nagdulot ng tensyon sa Unibersidad de Manila (UDM) ang isang text message na nagsasabing may sasabog na bomba sa loob ng compound, kahapon ng umaga.

 

Agad na nirespondehan ng pinagsanib na puwersa ng Manila Police District (MPD –EOD), Lawton Police Community Precinct (PCP) at Civil Security Force (CSF) ng Manila City Hall ang tawag ng pamunuan ng UDM hinggil sa text message.

Nag-negatibo naman sa anumang pampasabog ang eskuwelahan matapos isagawa ang paneling method at pagrikisa kasama ang K9 units alas 9:00 ng umaga.

Batay sa kopya ng text message “mag ingat kayo may bomb sa unibersidad ng maynila..Sasabog ito ano man oras kaya umalis kayo dyan” na natanggap mismo ng isang estudyante ng College of Law alas-7:43 ng umaga.

Naniniwala ang security officials na estratehiya ng mga estudyante na magpakalat ng katulad na mensahe para hindi matuloy ang mga naka-iskedyul na eksaminasyon na naganap din noong nakalipas na Set­yembre.

vuukle comment

BOMB THREAT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with