^

Metro

Flag casket honors sa namayapang journo, guro isinulong sa Kamara

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tulad ni Gat. Andres Bonifacio at mga sundalo ay maituturing ding mga bayani ang mga journo o mamamahayag at mga guro na nagbubuwis ng buhay sa pagtupad sa tungkulin.

 

Dahil dito, isinusulong sa Kamara ni Kabayan Partylist at House Deputy Majority Leader Ron Salo na gawaran din ng flag casket honors ang mga guro at mamamahayag.

“Bilang pagkilala sa pag-aalay ng sarili sa kapwa at bansa nararapat lang na parangalan ang mga namayapang guro at mamamahayag sa pamamagitan ng paggawad sa kanila ng pribilehiyong malatagan ng watawat ng Pilipinas sa kanilang kabaong sa kanilang burol,” sabi ng solon sa kanyang House Bill 8619 na layong amyendahan ang Section 24 ng Flag & Heraldic Code of the Philippines.

Itinaon ang paghahain ng HB 8619 ilang araw bago ang pag-alala sa kabayanihan ni Gat. Andres Bonifacio (November 30).

“Teachers and media practitioners are also modern-day heroes because they offer their lives every day in the name of public service and are often exposed to hazardous situations, especially during elections and when they are assigned to remote ­areas or high-crime incidence localities,” ani Salo.

Binigyang diin pa ng mambabatas na malaki ang magagawa at magiging pagbabago kung sesertipikahan ni Pangulong Duterte bilang ‘urgent’ ang HB 5224 dahil wala naman itong kaparehong consolidated bill sa Senado.

vuukle comment

ANDRES BONIFACIO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with