^

Metro

Higit 60 truck ng basura, nahakot sa Manila North/South Cemetery

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Higit 60 truck ng basura, nahakot sa Manila North/South Cemetery
Nabatid na nasa 35 truck ang nahakot sa Manila North Cemetery habang nasa 26 truck naman ang nakolekta sa Manila South Cemetery.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Mahigit sa 60 truck ng basura ang nahakot buhat sa  Manila North Cemetery at  sa Manila South Cemetery mula noong bisperas pa lamang ng Undas hanggang kahapon base sa ulat na tinanggap ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Nabatid na nasa 35 truck ang nahakot sa Manila North Cemetery habang nasa 26 truck naman ang nakolekta sa Manila South Cemetery.

Ikinadismaya naman ito ng pamahalaang lungsod ng Maynila dahil sa kabila ng kanilang panawagan maging ng ilang non-government organization na magdala ng kanya-kaniyang plastic na paglalagyan ng basura sa pagdalaw sa sementeryo ay hindi pa rin umiral ang disiplina.

Sa patuloy na pagbalewala sa panawagang ito, walang pahinga sa paglilinis ang itinalagang 50 street sweepers  sa nasabing sementeryo.

May itinalaga namang mga basurahan sa ilang piling lugar sa nasabing sementeryo subalit kung saan-saan lang ibi­nabato ang mga pinagkainan tulad ng mga plastic bottles, mga baso at  styrofor at karton ng ilang fastfood chain at mga pinagbalutan ng kung anu-anong gamit.

vuukle comment

MANILA NORTH CEMETERY

MANILA SOUTH CEMETERY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with