^

Metro

Shoe inspection sa airport, ipinaalala

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Shoe inspection sa airport, ipinaalala
Inihayag ito ni MIAA general manager Ed Monreal upang hindi magaya kay ACTS-OFW Partylist Rep. John Bertiz na nalagay sa kontrobersya makaraang tumanggi na tanggalin ang kanyang sapatos.
Rudy Santos

MANILA, Philippines — Pinaalalahanan ng pamunuan ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang mga pasahero na inaasahang dadagsa sa mga paliparan bago sumapit ang Undas na mahigpit na pinaiiral ang inspeksyon sa sapatos.

Inihayag ito ni MIAA general manager Ed Monreal upang hindi magaya kay ACTS-OFW Partylist Rep. John Bertiz na nalagay sa kontrobersya makaraang tumanggi na tanggalin ang kanyang sapatos.

Sinabi ni Monreal na dapat sumunod ang mga pasahero na ma­inspeksyon ang kanilang mga sapatos at ipakita ang kanilang mga bulsa sa final security check sa mga paliparan. Ipinaliwanag niya na ang pagsasagawa nito ay para na rin sa kaligtasan ng lahat.

Ipinaalala rin ng opisyal na dapat i-monitor ng mga pasahero ang lagay ng panahon at posibleng kanselasyon ng mga biyahe ng eroplano dahil sa inaasahang pagdating sa bansa ng bagyong Rosita.

Inaasahang lalapag sa bansa ang bagyo sa Cagayan-Isabela sa darating na Martes at magdudulot ng pag-ulan sa malaking parte ng bansa.

vuukle comment

MANILA INTERNATIONAL AIRPORT AUTHORITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with