^

Metro

Parak, 1 pa huli sa gun running

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Parak, 1 pa huli sa gun running
Kinilala ni PNP-CITF Commander P/Sr. Supt. Romeo Caramat Jr. ang nasakoteng suspect na si PO2 Jaid Pingli, tubong Brgy. Tinamba­kan, Lamitan, Basilan.
File

Nagsu-Supply ng baril sa KFR/ criminal groups

MANILA, Philippines — Nasakote ng mga tauhan ng PNP-Counter Intelligence Task Force (PNP-CITF) at PNP-Intelligence Group (PNP-IG) ang isang pulis at kasabwat nitong sibilyan na sangkot sa gun running sa isinagawang entrapment operation sa Brgy., Bagong Lipunan, Camp Crame, Quezon City,  Martes ng hapon.

Kinilala ni PNP-CITF Commander P/Sr. Supt. Romeo Caramat Jr.  ang nasakoteng suspect na si  PO2 Jaid Pingli, tubong Brgy. Tinamba­kan, Lamitan, Basilan.

Si Pingli ay naka-talaga sa Station 1 ng  Pasay City Police na may ilang linggo ring minamanmanan ng mga operatiba sa illegal nitong aktibidades.

Arestado rin ang ka-sabwat nitong sibilyan  na si Jose Dalayre  na hindi na nakapalag sa mga operatiba matapos na makorner sa entrapment operation.

Bandang alas-2:45   ng hapon nang masakote ang mga suspect sa entrapment operation sa nasabing lugar.

Nakumpiska mula sa mga suspect ang isang M4 cal 5.56 armalite rifle, pitong bala, isang plastic magazine, isang Tanfoglio 9 MM pistol at isang magazine na puno ng sampung bala.

 Ayon kay Caramat ang operasyon ay base sa ibinigay na intelligence packet ng Regional Intelligence Unit (RIU) 1, Intelligence Group  na nagsasabing ang nasabing parak ay sangkot sa gun running sa Region 1, Cordillera  partikular na sa Kalinga at National Capital Region (NCR) kung saan ang mga kustomer ay mga pulitiko.

Sa isinagawang    im­bestigasyon naba­tid na ang suspect na parak ay kamag-anak ng Pingli brothers, isang notoryus na KFR group sa Zamboanga City at criminal gang  na pinamumunuan naman ni Wahid Pingli alyas Guru.

Pinaniniwalaan naman na ang pulis ay siyang nagsu-supply ng armas sa grupo ni Pingli na sangkot sa kidnapping for ransom, extortion at iba pa.

Nahaharap ngayon sa kasong kriminal at administratibo ang nasakoteng parak at sibilyang kasabwat nito sa illegal na aktibidades.

GUN RUNNING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with