^

Metro

NAIA naka-heightened alert ngayong Undas

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon
NAIA naka-heightened alert ngayong Undas
Ito ay bilang prepa-rasyon ng MIAA sa ina­asahang pagdagsa ng mga pasahero sa Undas sa susunod na linggo.
Rudy Santos

Sa pagdagsa ng mga pasahero

MANILA, Philippines — Nagpatupad ng   heigh­tened alert ang  pamunuan ng  Manila International Airport Authority (MIAA) sa apat na terminal sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kaugnay ng nalalapit na Undas.

Ito ay bilang prepa-rasyon ng MIAA sa ina­asahang pagdagsa ng mga pasahero sa Undas sa susunod na linggo.

Dahil dito,  kaya’t si­si­mulan na ang pagpa­patupad ng “Oplan Biyaheng Ayos” sa mga paliparan sa darating na October 27 hanggang November 5.

Sa Kapihan sa NAIA, sinabi ni MIAA General Manager Ed Monreal, na hiniling niya sa mga airline companies na magdagdag ng mga tauhan nila sa check-in counters para maiwasan ang mahabang pila at mapabilis ang check-in ng mga pasahero .

Dalawang oras bago ang domestic schedule flights ay bubuksan na ang check-in counters  habang tatlong oras naman para sa mga international counters.

Payo ni Monreal sa mga pasahero na sumunod sa security protocol  upang maiwasan ang aberya.

Pinayuhan din ni Mon­real, ang mga pasaherong pupunta sa NAIA na gamitin ang NAIA expressway  para maiwasan ang mabigat na traffic sa bisinidad ng NAIA complex.

Pinag-iingat din ng opisyal ang publiko sa mga salisi, mga magna-nakaw at mga abusadong taxi drivers.

vuukle comment

MANILA INTERNATIONAL AIRPORT AUTHORITY

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with