^

Metro

Estrada vs Zamora sa San Juan

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Estrada vs Zamora sa San Juan
Si Janella ay anak ni dating Senator Jinggoy Estrada, at siyang iniendorso ni outgoing San Juan Mayor Guia Gomez, upang pumalit sa kanyang pwesto, ay nakatakdang maghain ng kanyang kandidatura sa Martes, Oktubre 16.

MANILA, Philippines — Maglalaban sina San Juan City Vice Mayor Janella Estrada at dating San Juan Vice Mayor Francis Zamora sa nalalapit na 2019 mayoral post sa lungsod.

Si Janella ay anak ni dating Senator Jinggoy Estrada, at siyang iniendorso ni outgoing San Juan Mayor Guia Gomez, upang pumalit sa kanyang pwesto, ay nakatakdang maghain ng kanyang kandidatura sa Martes, Oktubre 16.

Si Francis ay anak naman ni Cong. Ronaldo Zamora, ay nakatakda namang maghain ng kanyang kandidatura sa huling araw ng paghahain ng Certificate of Candidacy (COC) sa Miyerkules, Oktubre 17.

Matatandaang ang mga Estrada at mga Zamora ay da­ting magkaalyado sa pulitika subalit naglaban noong huling termino ni Mayor Guia Gomez.

Humiwalay ang mga Zamora sa mga Estrada kasunod ng akusasyong nais ng mga ito na magtayo ng political dynasty sa San Juan, na matagal na panahon nang pinamumunuan ng mga ito. 

vuukle comment

JANELLA ESTRADA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with