^

Metro

Biyahe ng MRT-3, muling nagka-aberya

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Biyahe ng MRT-3, muling nagka-aberya
Batay sa abiso ng Department of Transportation (DOTr) nabatid na dakong alas-6:51 ng umaga nang magkaroon ng technical problem sa riles sa pagitan ng northbound ng Guadalupe at Boni interstation.
Boy Santos

MANILA, Philippines — Muling nagkaroon ng aber­ya ang biyahe ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) na nakaranas ng problemang teknikal at  nagresulta upang maghintay ng halos isang oras ang mga pasahero, kahapon ng umaga.

Batay sa abiso ng Department of Transportation (DOTr) nabatid na dakong alas-6:51 ng umaga nang magkaroon ng technical problem sa riles sa pagitan ng northbound ng Guadalupe at Boni interstation.

Kaagad naman itong inins­peksyon at kinumpuni ng kanilang mga tracks personnel.

Dahil sa naantalang mga biyahe ng tren, kinailangan ng mga pasahero na maghintay ng halos isang oras sa mga istasyon bago tuluyang makasakay ng tren at makarating sa kani-kanilang destinasyon.

Pagsapit ng alas-7:28 ng umaga ay iniulat rin ng MRT-3 na umaabot sa 13 tren nila ang naka-deploy upang magserbisyo sa kanilang mga pasahero.

Kaagad namang humingi ng paumanhin ang MRT-3 sa pangyayari, ngunit umani pa rin ng galit ang mga ito mula sa mga apektadong commuters.

vuukle comment

DEPARTMENT OF TRANSPORTATION

METRO RAIL TRANSIT LINE 3

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with