^

Metro

‘Movie director’ dakip sa entrapment

Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon
�Movie director� dakip  sa entrapment
Dinakma ng mga tauhan ng Criminal Investi-gation and Detection Group (CIDG) ang suspek na si Ike Sadiasa, residente ng No. 126K Mariano St., Brgy. 95, Caloocan, sa aktong tinatanggap nito ang P150,000 mula sa nagrereklamong biktima na si Maria Rosana Alcantara sa isang kilalang fast food chain sa Boni Serrano corner 4th Ave., sa Bagong Lipunan ng Crame, dakong alas-4:45 ng hapon.

MANILA, Philippines — Arestado ng mga otoridad ang isang 59-anyos  na umano’y isang movie director sa ikinasang entrapment operation laban sa kanya nitong Sabado sa lungsod ng Quezon.

Dinakma ng mga tauhan ng Criminal Investi-gation and Detection Group (CIDG) ang suspek na si Ike Sadiasa, residente ng No. 126K Mariano St., Brgy. 95, Caloocan, sa aktong tinatanggap nito ang P150,000 mula sa nagrereklamong biktima na si Maria Rosana Alcantara sa isang kilalang fast food chain sa Boni Serrano corner 4th Ave., sa Bagong Lipunan ng Crame, dakong alas-4:45 ng hapon.

Ayon sa hepe ng CIDG-NCR na si Supt. Elea­zar Matta, nagpakilalang isang movie director si Sadiasa kay Alcantara may ilang buwan nang nakakaraan at nakumbinsi umano nitong mag-venture ang biktima ng halagang P340,000 para sa isang movie project.

Nang makuha na ni Sadiasa ang naturang halaga ng pera ay hindi na ito umano nagpakita bagama’t nagpadala ng ilang demand letter si Alcantara upang maibalik ang kanyang pera.

Samantala, nitong isang linggo ay aksidenteng nagkita ang dalawa sa Cubao sa Quezon City kung saan patuloy ang pakiusap ni Alcantara na ibalik na lang ang kanyang pera.

Dito ay muling ‘nabilog’ ni Sadiasa si Alcantara upang maituloy na ang sinasabing movie project ay kailangan pa nitong magbigay ng karagdagang P150,000 kung saan ay lumapit na si Alcantara sa mga otoridad na agad namang nagsagawa ng entrapment operation na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek.

Nahaharap na ngayon sa kasong swindling, estafa, at grave threat si Sadiasa.

vuukle comment

ARRESTED

CFRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with