MMDA, JICA sanib-pwersa Vs trapik sa Metro Manila
MANILA, Philippines — Dahil bilyong piso ang nalulugi sa ekonomiya ng Pilipinas sanhi ng matinding trapik, magsasanib-pwersa ang Metropolitan Manila Development of Authority (MMDA) at Japan International Cooperation Agency (JICA) para magsagawa ng mga pag-aaral upang masolusyunan ito.
Nagkaroon ng lagdaan sa pagitan ng MMDA at JICA, na ang ilan sa mga layunin ay alamin at i-analyze ang traffic bottlenecks, pag-develop ng 5-year action plan para sa sustainable solutions sa traffic management at capacity enhancement sa ilalim ng proyekto ng Comprehensive Traffic Management Plan sa Metro Manila.
Nabatid na nitong 2017, ang JICA ang nagsagawa ng mga follow-up survey para sa transport road map na nakatakdang rebyuhin ng gobyerno ng Pilipinas.
“Aside from investments in infrastructure building, JICA is also supporting the Philippines ease traffic congestion to help make urban areas like Metro Manila and surrounding areas more li-vable, and encourage investments into the Philippines. Transportation, among other things, is an element that can help the Philippines sustain its growth and economic gains,” ani JICA Chief Representative Yoshio Wada.
Ngayong linggong ito ay magkakaroon ng pulong ang MMDA at JICA na ang pag-uusapan ay may kaugnayan sa Technical Cooperation Project para sa taong 2019 hanggang 2022, na ang pangunahing agenda ay ang road traffic congestion sa Kalakhang Maynila.
Magsasanib-pwersa ang MMDA at ang mga Japanese expert para sa road traffic management, traffic policy, at intelligent transport system.
Tutulong din sa naturang proyekto ang road sector at ang 17 alkalde sa Metro Manila.
- Latest