^

Metro

Tanggapan ng PAGIBIG fund, binulabog ng bomb threat

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon
Tanggapan ng PAGIBIG fund,  binulabog ng bomb threat
Ayon sa hepe ng Makati City Police na si Senior Supt. Rogelio Simon, alas-10:43 ng umaga nang makatanggap ng text message ang manager ng Legal Department ng PAGIBIG na si Atty. Jose Roberto Po na nagsasabing may bombang sasabog sa tanggapan.

MANILA, Philippines — Nabulabog ng bomb threat ang opisina ng PAGIBIG fund sa Gil Puyat Avenue, Brgy. Bel Air sa Makati City, kahapon.

Ayon sa hepe ng Makati City Police na si Senior Supt. Rogelio Simon, alas-10:43 ng umaga nang makatanggap ng text message ang manager ng Legal Department ng PAGIBIG na si Atty. Jose Roberto Po na nagsasabing may bombang sasabog sa tanggapan.

Agad na nagpadala ang Makati City Police ng mga tauhan  mula sa Explosives and Ordnance Division at K9 unit sa Petron Mega Plaza kung saan nandoon ang tanggapan ng PAGIBIG at nagsagawa ng paneling.

Matapos ang ilang oras na paggalugad sa ikaapat at ikapitong palapag ng parking area ng gusali ay idineklarang negatibo sa anumang uri ng pampasabog ang tanggapan.

Samantala, sinuyod din ng bomb squad ang PAGIBIG Malugay office na nasa Makati rin at idineklara namang negatibo sa pampasabog ng ala-1:35 ng hapon. Iniimbestigahan na ng pulisya ang motibo sa likod ng pananakot.

vuukle comment

PAGIBIG FUND

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with