^

Metro

Rider umiwas sa checkpoint, todas

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Rider  umiwas sa checkpoint, todas
Patuloy na inaalam ng pulisya ang pagkakakilanlan ng napaslang na salarin na nakasuot ng itim na jacket, at asul na t-shirt at sakay ng isang puting Mio type scooter na walang plaka.

MANILA, Philippines — Isang hindi pa naki-ki­lang rider ng motorsiklo ang napaslang ng mga otoridad nang makipag­palitan ito ng putok makaraang takasan ang inilatag na checkpoint ng PNP-Highway Patrol Group, kahapon ng madaling araw sa Muntinlupa City.

Patuloy na inaalam ng pulisya ang pagkakakilanlan ng napaslang na salarin na nakasuot ng itim na jacket, at asul na t-shirt at sakay ng isang puting Mio type scooter na walang plaka.

Sa inisyal na ulat, ala-1:25 ng madaling araw nang mapadaan sa checkpoint sa Don Pedro Reyes Ave., Victoria Homes, Brgy. Tunasan, ang suspek na napansin ng mga pulis na depek­tibo ang headlight ng motor at hindi ito nakasuot ng helmet.

Pinara ng mga pulis ang naturang motorsiklo ngunit sa halip na huminto, nagpaputok umano ng baril ang suspek at saka mabilis na humarurot.

Dito siya hinabol ng mga pulis ngunit muli umano silang pinaputukan ng suspek.

Dito na gumanti ng putok ang mga alagad ng batas na nagresulta sa pagkakapaslang sa suspek.

Narekober ng mga pulis sa suspek ang naturang scooter, isang kalibre .38 baril na may tatlo pang bala, dalawang cartridges at apat na cartridges sa hindi pa batid na kalibre ng baril.

vuukle comment

CHECKPOINT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with