Bar owners at iba pang negosyo sa QC, hinimok ni Joy B na maging ‘drug-free’
MANILA, Philippines — Matapos ang pagsalakay sa isang bar sa Makati na pinaniwalaang sangkot sa iligal na droga, hinimok ni Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte ang mga may-ari ng bar, clubs, at iba pang mga negosyo sa lungsod na maging “drug-free” alinsunod sa mga ordinansa ng lokal na pamahalaan.
“While those who work in the city government are already required to undergo drug testing at least once a year, we also want drug-free business establishments in the private sector,” paliwanag ni Belmonte.
Ito ay alinsunod sa isang city ordinance sa QC na nag -uutos na isailalim sa drug test ang mga empleado at opisyal ng lokal na pamahalaan samantalang ang “QC Business Establishment Drug-Free Ordinance” ay nagbibigay ng ligtas at healthy environment free mula sa paggamit ng bawal na gamot na sumasakop sa mga “entertainment establishments” tulad ng KTV bars, nightclubs, spa, massage parlor, bars, at restaurant gayundin ang mga establisimento na may 10 o higit pang mga empleyado.
Sa ilalim ng ordinansa, inaasahang gagampanan ng mga establisimento ay tungkuling suportahan ang adbokasiya ng lungsod para sa “drug-free workplace”.
Kinakailangan din na makipagtulungan ang mga ito sa Quezon City Anti-Drug Abuse Advisory Council (QCADAAC) at Quezon City Police para sa rehabilitasyon.
Sa kasalukuyan, inaasikaso ng QCADAAC, QCPD, at iba pang ahensya sa QC ang “implementing rules and regulations” (IRR) ng nasabing ordinansa.
- Latest