^

Metro

P1-M halaga ng ecstasy nabawi ng PDEA

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
P1-M halaga ng ecstasy nabawi ng PDEA
Ang suspect (nakaupo) na si Carlo Santos, alyas Elmo at ang nasamsam sa kanyang isang milyong halaga ng ecstasy nang iharap kahapon ng PDEA.
Kuha ni Boy Santos)

MANILA, Philippines — Tinatayang nasa isang milyong halaga ng ecstasy ang nabawi ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) mula sa isang lalaki ng kanilang inaresto sa isang buy bust operation sa Quezon City, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang suspek na si Carlo Santos, alyas Elmo, 38,  ng  ML Quezon St., Bagungbayan, Taguig City.

Ayon kay PDEA agent Wenifredo Alagabia ng Special Enforcement Agency dakong alas-2:20 ng madaling araw nang isagawa nila ang buy bust operation laban sa suspek sa may Mother Ignacia, Avenue, Quezon City.

Sinasabing ang suspek ay isa sa mga supplier ng party drug sa ilang disco houses at night club sa Quezon City.

Nabawi sa suspek ang maraming party drugs na kinabibilangan ng 330 tableta ng ecstasy, 50 kapsula ng ecstasy, 1,100ml na liquid ecstasy at 300ml ng Wari Active Spray.

vuukle comment

PHILIPPINE DRUG ENFORCEMENT AGENCY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with