^

Metro

2 ‘kriminal’ todas sa shootout

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
2 �kriminal� todas sa shootout
Sa ulat, unang napaslang ng mga tauhan ng Intelligence Section ang suspek na si Arnel Padil, isa umanong notoryus na holdaper, sa isang bahay sa Saint Joseph, Brgy. 201 Zone 20, Pasay City dakong alas-9:30 ng gabi.

MANILA, Philippines — Kapwa bumulagta ang dalawang lalaki na umano’y mga notoryus na kriminal sa magkahiwalay na insidente ng pakikipagbarilan sa mga tauhan ng Pasay City Police kamakalawa ng gabi.

 Sa ulat, unang napaslang ng mga tauhan ng Intelligence Section ang suspek na si Arnel Padil, isa umanong notoryus na holdaper, sa isang bahay sa Saint Joseph, Brgy. 201 Zone 20, Pasay City dakong alas-9:30 ng gabi.

 Alas-11:15 nang mapaslang naman ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit ang drug suspect na si Salvador Evangelista, Jr., sa ikinasang buy-bust operation sa No. 704 Apelo Cruz Street, Brgy. 157 Zone 16, naturang lungsod.  Nang makabili ang mga pulis ng droga sa suspek, nakahalata umano si Evangelista  kaya nagtatakbo siya sa itaas ng kanyang bahay. Hinabol naman ang suspek nina PO1 James Paul Callo at PO1 Jay-R Orquino na sinalubong ng putok ng baril ng suspek sa ikatlong palapag ng bahay. Gumanti ng putok ang mga pulis at tinamaan ang suspek sa katawan dahilan ng kanyang kamatayan. 

 Narekober ang isang plastic sachet ng shabu na ibinenta ng suspek  at isang kalibre .38 na baril.

vuukle comment

CRIME

SHOOTING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with