^

Metro

Ginang, mag-live in arestado sa drug ops

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Magkakasamang bumagsak sa kulungan ang mag-live-in na ‘tulak’ at kanilang drug supplier sa magkasunod na operasyon na ikinasa ng Nor­thern Police District sa lalawigan ng Bulacan at Maynila ka­makalawa ng madaling araw.

Nakilala ang mga nadakip na drug supplier na si Princess Ong, 28, residente ng Baseco Compound, Tondo, Maynila at ang magkarelas­yon na sina Robert Salcedo, 24 at dalawang buwang buntis niyang kinakasama na si Raquel Hernandez, 25, kapwa ng Bagong Pabahay, San Jose Heights, Brgy. Gaya-gaya, San Jose del Monte, Bulacan.

Sa ulat, unang nadakip ng mga tauhan ng Malabon City Police- Station Drug Enforcement Unit at Intelligence Branch sina Salcedo at Hernandez sa ikinasang buy-bust operation dakong alas-12 ng hatinggabi sa kanilang bahay sa Bulacan.

Hindi nakapalag ang dalawa nang bentahan nila ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer. Nakumpiska sa kanila ang dalawang plastic sachet ng hinihinalang shabu at marked money.

Nang isailalim ang dalawa sa interogasyon, ikinanta nila ang kanilang supplier na buhat pa sa Tondo, Maynila na si Ong. Dito naki­pagtransaksyon ang asset ng SDEU sa pangunguna ni P/Sr. Insp. Jonny Baltan at PDEA-Camanava kay Ong at nagkasundo na bibili ng droga sa Tondo, Maynila.

Ala-1 ng madaling araw nang ikasa ang buy-bust ope­ration sa may Baseco Compound, Tondo, Maynila na nag­resulta sa pagkakadakip ni Ong. Nakumpiska sa kanya ang nasa 11 plastic sachet ng hinihinalang shabu.

Nakatakdang isailalim sa laboratory examination ang mga ebidensya na nakumpiska sa tatlong suspek na mahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

vuukle comment

DRUG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with