^

Metro

Trader itinumba sa loob ng palengke

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Trader itinumba sa loob ng palengke
Dead on arrival sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center (GABMMC) ang biktimang si Jerald Tunga­la Flores, 35, residente ng Asuncion St.,Tondo bunsod ng dalawang tama ng bala ng kalibre .45 sa dibdib.

MANILA, Philippines — Patay ang isang negos­yante nang barilin habang nagbabantay ng kaniyang paninda sa loob ng Asuncion Market sa Asuncion St., Tondo, Maynila, kamakalawa.

Dead on arrival sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center (GABMMC) ang biktimang si Jerald Tunga­la Flores, 35, residente ng Asuncion St.,Tondo bunsod ng dalawang tama ng  bala ng kalibre .45 sa dibdib.

Itinuturong suspek ang isang lalaking may alyas na Nene, nakasuot ng bull cap, itim na t-shirt at shortpants.

Sa ulat ni PO3 Joel C. Ascano ng Manila Police District-Homicide Section, naganap ang pamamaril alas- 2:40 ng madaling araw sa loob ng kaniyang tindahan sa Asuncion market.

Habang nasa loob uma­no ng tindahan ang biktima nang biglang lumutang ang suspek at mabilisang isinagawa ang pamamaril.

Dalawang putok ang  umalingawngaw at bumulag­ta  na ang biktima habang ang suspek ay naglakad lamang papatakas na di na napansin kung saan sumuot.  

vuukle comment

TRADER SHOT DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with