^

Metro

P133-M droga nasamsam ng BoC sa NAIA

Butch Quejada - Pilipino Star Ngayon
P133-M droga nasamsam ng BoC sa NAIA

Sa loob ng 2 linggo

MANILA, Philippines — Tumataginting na P133-milyong halaga ng shabu at marijuana ang nasamsam ng Bureau of Customs (BOC) sa pagitan lamang ng dalawang linggo mula sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ang halagang nabanggit ay mula sa pinagsama-samang 17.96 kilos na shabu at 1.03 kilos dried marijuana leaves.

Iprinisinta ni BOC-NAIA District Collector IV Carme­lita’ Mimel’ Talusan kay Commissioner Isidro Lapena ang limang selyadong kahon ng kontrabando na galing sa bansang Amerika na nag­lalaman ng illegal drugs na nasabat sa isang bodega na malapit sa airport.

Ayon kay Talusan, ang ‘drug parcels’ ay idineklarang DVD players, furniture, ce-reals at chairs subalit agad na naharang ng Customs authority sa Fedex warehouse dahil sa kahinahinalang pa-ngalan ng mga nagpadala   at claimants nito.

Nakilala ang mga sen-ders sa pangalang Taylor Dizion, Eagler Po Box Rental, Gina Gamboa, Raven Mesina, Donna Mendoza at naka-consigned kina Christina Dizon, Alvin Santiago, Sergio Gamboa Natividad, Gracen Wa-shington at Ricardo Mendoza.

Samantala, aabot naman sa 2 kilos shabu na nagka-kahalaga ng 13 milyon piso ang nasabat ng BoC noong June 20, 2018 sa Port of Clark, Pampanga.

Ipinagmalaki ni Lapena na puspusan at seryoso ang administrasyong Duterte na sugpuin ang lahat ng ille­gal drugs sa bansa.

vuukle comment

BUREAU OF CUSTOMS

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT (

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with