Bebot nakaladkad, pisak sa tren
MANILA, Philippines — Nakaladkad at napisak ng tren ang isang babae habang naglalakad sa riles ng Philippine National Railways (PNR), kahapon ng umaga sa Perlita St., San Andres, Maynila.
Inilarawan ang biktima na nakasuot ng kulay gray na t-shirt at dilaw na short pants at nasa edad 16-25.
Batay sa imbestigasyon ni PO2 Rey Rabut ng Manila Police District (MPD), dakong alas-6 ng umaga ng maganap ang insidente sa nabanggit na lugar kung saan nakaladkad ng tren ang biktima ng 15 hanggang 20 metro.
Inaalam na rin ng pulisya sa barangay na nakakasa-kop sa pinangyarihan ng aksidente para makapangalap ng karagdagang impormasyon sa pagkakakilanlan ng biktima.
Aalamin rin kung nakunan ng CCTV bago pumasok at maglakad sa riles ang babae.
Nabatid na ilang ulit umanong tinawagan ng pansin ang babae pero tila wala ito sa katinuan at nagtuluy-tuloy pa rin sa paglalakad.
- Latest