^

Metro

Call center agent, tumalon mula 8th floor ng hospital

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang 46-anyos na lalaking call center agent ang nagpakamatay  ma­tapos itong tumalon  mula sa ika-walong pa-lapag ng isang hospital sa EDSA Southbound, Brgy. Highway Hills, Man­daluyong City nitong Biyernes ng uma­ga.

Sa report ni Manda­luyong City Police Chief P/Supt. Moises Villace­ran Jr., nangyari ang insidente sa Victor R. Potenciano Hospital dakong alas-5:05 ng uma­ga sa nasabing lungsod.

Sa nakalap na impormasyon sa mga staff ng hospital, kinilala ang nasawi na si Robert Resuriaga, binata, nanunuluyan sa  N. Garcia St., Brgy. Valenzuela, Makati City.

Ayon kay Villaceran sa paunang imbestigas-yon, kasalukuyang naka-duty ang nakasaksing security guard na si Jeffrey Hawod sa hospital nang makarinig ito ng ingay mula sa itaas ng hospital at nang  alamin ito ay nakita nito ang tumatagas na dugo mula sa katawan ng biktima  na sumabit sa beranda ng hospital.

Sa pahayag sa mga awtoridad ni Jerico Capili, 34, kasamahan ng biktima sa tinutuluyan nito sa lungsod ng Makati at nagbabantay sa maysakit na biktima sa Room 821, 8th floor ng nasabing pagamutan nakatulog umano siya habang nakikinig ng music sa cellphone gamit ang airphone ng mangyari ang insidente kaya’t wala siyang na-rinig.

Nabatid na ang biktima ay na-confine sa nasabing pagamutan sa karamdaman nito na hindi na tinukoy ng mga staff at  naka-iskedyul na ang kaniyang operasyon. 

vuukle comment

CALL CENTER AGENT SUICIDE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with