Danish national tumalon mula 11th floor ng condo, lasog
MANILA, Philippines — Basag ang bungo ng isang 58-anyos na Danish national matapos itong tumalon mula sa ika-11 palapag nang tinitirhan nitong condominium sa Bonifacio Global City (BGC), Taguig City kamakalawa ng gabi.
Nasawi noon din ang biktimang si Jorgen B-O Gensen, residente ng Icon Plaza Condominium (BGC) ng naturang siyudad.
Sa report na natanggap ng Taguig City Police, alas-6:48 kamakalawa ng gabi nang matagpuan ang wala nang buhay na dayuhan sa gutter ng kalsada ng naturang lugar.
Iniimbestigahan pa ng Taguig City Police kung may ‘foul play’sa insidente at kung ano ang motibo nito sa kanyang pagpapakamatay.
- Latest