^

Metro

Fraternities, sororities sinuspinde ng UST

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Fraternities, sororities sinuspinde ng UST
Ineskortan ng mga tauhan ng NBI palabas ng detention cell ang mga miyembro ng Aegis Juris na dawit sa ‘Atio hazing’ para mailipat sa Manila City jail matapos itong ipag-utos ng korte kamakalawa.
Kuha ni Edd Gumban

MANILA, Philippines — Sinuspinde ng University of Sto. Tomas (UST) ang lahat ng mga fraternities at sororities sa kanilang campus ngayong Academic Year 2018-2019 kasunod ng pagkamatay ng UST law student  na si Horacio ‘Atio’ Castillo ng Aegis Juris Fraternity.

Samantala kahapon tuluyan nang inilipat sa Manila City Jail ang 10 miyembro ng Aegis Juris na dawit  sa pagkamatay ni Atio na unang napiit sa National Bureau of Investigation (NBI).

Magugunitang kamaka-lawa, binigyan ng Manila Regional Trial Court ang NBI ng 48 oras para mailipat sa city jail ang mga miyembro ng fraternity na dawit sa killing.

Base sa anim na pahinang kautusan ni Manila RTC Branch 20 Judge Marivic Umali, kabilang sa mga pinalilipat ng korte sa NBI sina Marcelino Bagtang Jr., Arvin Balag, Mhin Wei Chain, Axel Munro Hipe, Joshua Maca-bali, Oliver Onfore, John Robin Ramos, Hans Matthew Ro-drigo, Jose Miguel Salamat at Ralph Trangia.

Ibinasura kasi ng korte ang mosyon ni Trangia na manatili sa NBI detention center dahil na rin umano sa Rules of Criminal Procedure.

Iginiit ni Umali na ang mga akusadong inaresto ay dapat nasa pinakamalapit na police station o piitan at ang NBI detention facility umano ay hindi naman PNP station o piitan.

Mandato rin umano ng city jail na magpatupad ng mahigpit na seguridad para sa mga inmates taliwas sa iginigiit ng mga miyembro ng Aegis Juris na maaaring manganib ang kanilang buhay at seguridad bunsod ng pambu-bully at pananakot kapag nailipat na sa Manila City Jail.

Samantala, nakasaad na­man sa memorandum na ipinalabas ni Office for Student Affairs (OSA) ng UST na si Director Ma. Soccoro S. Guan Hing na ang aksyon ng suspindehin ang mga fraternity at sorority ay paraan para mailayo ang kanilang mga estudyante sa panganib dahil sa pagsali sa anumang hazing activities.

Ipinag-utos din nito sa lahat ng mga fraternities at sorori-ties na itigil ang recruitment at pagsasagawa ng aktibidad.

Namatay si Castillo noong Setyembre  17, 2017 habang sumasailalim sa initiation rites ng Aegis Juris fraternity.

vuukle comment

AEGIS JURIS FRATERNITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with