^

Metro

2 patay, 3 sugatan sa salpukan sa NLEX

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dead-on-the-spot ang dalawang pasahero ng isang UV Express van habang tatlo pa ang kritikal ang kalagayan ngayon sa paga­mutan matapos silang sumalpok sa likurang bahagi ng sinusundang trak habang binabagtas ang kahabaan ng North Luzon Expressway (NLEX) sa Valenzuela City, kahapon ng madaling araw.

Sa inisyal na ulat, isa sa mga biktima ay nakilala na si Louie Ogalesko habang wala pang pagkakakilanlan sa babaeng pasahero na nasawi rin sa naturang aksidente.  Isinugod sa Valenzuela City Medical Center ang dalawa ngunit kapwa hindi na umabot nang buhay.

Dinala rin naman sa naturang pagamutan ang tatlong pang sakay ng van na sina Lyra Olay, Rannie Torres at Ralph Ramos. 

Hawak naman ng pulisya ang tsuper ng UV Express at ng trak na hindi muna pina­ngalanan.

Batay sa imbestigasyon, dakong alas-5:00 ng madaling araw nang maganap ang insidente sa southbound lane ng NLEX sa bahagi ng Barangay Lawang Bato, ng naturang lungsod.  Nabatid na nauuna ang trak na may kargang buhangin sa outer lane nang biglang bumundol sa likuran nito ang UV Express na napakatulin ng takbo.

Sa lakas ng pagkakabangga, halos mawasak ang unahan ng van at duguan ang mga sakay na pasahero. 

Agad namang sinaklolohan ng rescue unit ng NLEX at Valenzuela Rescue Team ang mga biktima at mabilis na naisugod sa pagamutan.

Nahaharap na ang tsuper ng trak sa kasong reckless imprudence resulting in double homicide at physical injuries sa Valenzuela City Pro­secutor’s ­Office.

vuukle comment

DEAD-ON-THE-SPOT

NORTH LUZON EXPRESSWAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with