^

Metro

Bagong laya na ginang, itinumba habang naglalaba

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang 50-anyos na babae na kalalaya lamang mula sa piitan ang nasawi nang pagbabarilin ng tatlong lalaking sakay ng isang van, habang ang una ay naglalaba sa harapan ng kanilang bahay, kamakalawa ng hatinggabi sa Brgy. Batasan Hills, Quezon City.

Kinilala ni P/Supt. Rodelio B. Marcelo, hepe ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ng Quezon City Police District (QCPD), ang biktima na si Rosana Purificacion Crisostomo, 50, ng  Freedom Park Extension, sa Brgy. Batasan Hills.

Batay sa pagsisiyasat ni P02 Julius Raz, dakong alas-12:05 ng hatinggabi ay kasalukuyang naglalaba ang biktima, sa harapan mismo ng kanilang tahanan, katulong ang kanyang anak na lalaki, nang bigla na lang huminto ang isang Mitsubishi L300 FB van na walang plaka, na may sakay na tatlong lalaki.

Sa salaysay ng anak ng biktima, binuksan ng lalaking nakaupo sa tabi ng driver ang bintana ng sasakyan at bigla na lamang pinaulanan ng bala ng isang kalibre .45 na baril ang kanyang nanay.

Kaagad na humandusay ang biktima ngunit tila hindi pa aniya nakuntento ang mga suspek, dahil ang lalaking nakaupo naman sa likuran ng sasakyan ay nagbukas din ng bintana at muling niratrat ng bala ng baril ang ginang bago tuluyang tumakas.

Hindi naman pinatamaan ng bala ng baril ang anak ng biktima, na mabilis na tumakbo at humingi ng tulong sa kanilang mga kapitbahay.

Isinugod sa East Avenue Medical Center ang biktima ngunit idineklara na rin itong patay ng mga doktor dakong alas-2:05 ng madaling araw.

Sa imbestigasyon, lumitaw na kalalabas lamang ng piitan ng ginang nang maaresto sa isinagawang ‘Oplan Galugad’ ng pulisya, matapos na magpositibo sa paggamit ng iligal na droga.

Inaalam naman ng pulisya kung posibleng may kina­laman sa illegal drugs ang krimen. Patuloy ang imbestigasyon sa kaso.

vuukle comment

BABAE

PAGBABARILIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with