^

Metro

Oil price hike umariba na

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagpatupad na ng dagdag-singil sa presyo ng petrol­yo ang mga kumpanya ng langis sa bansa nang isagawa ang pagtataas ng presyo kahapon ng umaga.

Ilan sa maagang nag-abiso ng pagtataas ang mga kumpanyang Pilipinas Shell, PTT Phlippines, Seaoil, at Phoenix Petroleum na epektibo ngayong alas-6:00 ng Martes ng umaga.

Inaasahan naman na susunod na maglalabas ng kanilang anunsyo ang iba pang players ng petrolyo sa bansa.

Nagtaas ang mga ito ng P.35 sentimos sa kada litro ng gasolina, P.55 sentimos sa kada litro ng diesel at P.80 sentimos sa kada litro ng kerosene o gaas.

Base pa rin umano ang panibagong paggalaw sa presyo ng lokal na petrolyo sa dikta ng internasyunal na merkado na naaapektuhan ngayon ng krisis sa Syria at mga polisiya ng Organization of Petroleum Exporting Countries (OPEC).

Noong nakaraang linggo, nagpatikim ng maliit na rolbak ang mga kumpanya ng langis sa halagang P.40 kada litro ng gasolina at P.30 sa diesel ngunit agad din namang binawi ngayong linggo.

vuukle comment

LANGIS

PETROL­YO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with