^

Metro

Pekeng PDEA agent, timbog

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Arestado ang isang babaeng nagpanggap na tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency(PDEA) sa Cainta Rizal habang nakatakas naman ang mga kasa­mahan nito.

Sa ikinasang operasyon ng NBI Task force against illegal drugs sa Cainta Rizal, naaresto si Jai Sunshine Chua.

Batay sa imbestigasyon ng NBI, lumabas na  sangkot ang grupo sa mga iligal na aktibidad sa San Mateo, Taguig, Cainta na ang pangunahing modus ay mangidnap  at kapag hindi nakapagbigay ng ransom money ang biktima ay pinapainan ng iligal na droga.

Ang operasyon ng NBI ay nag- ugat matapos magpadala ng liham ang mga magulang ng dalawang batang lalaki na kinidnap ng grupo sa Ususan  Taguig City na nahagip pa ng CCTV ang pagbaba ng grupo sa isang sasakyan na armado at suot ang uniporme ng PDEA.

Nang ipakita sa mga totoong tauhan ng PDEA ang CCTV, sinabi nilang hindi miyembro ang mga ito ng PDEA.

Nahaharap si Chua sa patung -patong na kaso may paglabag sa kidnapping for ransom, carnapping, robbery, usurpation of authority, comprehensive firearms and ammunition regulation act at marami pang iba habang pinaghahanap na ng NBI ang siyam pang miyemrbro ng grupo na nakatakas. 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with