^

Metro

Brgy. Culiat sinalakay 72 dawit sa droga, nalambat ng QCPD

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Umabot sa 72 katao na sangkot umano sa iligal na aktibidad ng droga ang nalambat ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) sa isinagawang pagsalakay sa Barangay Culiat sa lungsod, kamakalawa

Ayon kay QCPD Acting District Director P/Senior Supt. Guillermo Eleazar, ang kauna-unahang pagsalakay na kanilang ginawa sa naturang barangay na kilalang pugad ng iligal na droga at pinakamalalaking bilang ng mga naarestong sangkot sa ipinagbabawal na gamot.

Kabilang anya sa mga naaresto ay 50 lalaki at 17 babae, dalawa sa mga ito ay edad na 50-53 na naaktuhan sa isang drug den. Gayundin ang mga menor-de-edad na nasa 13 hanggang 17 anyos. Sabi pa ni Eleazar, karamihan sa mga nadakip ay pawang mga hindi residente sa Barangay Culliat at karamihan ay mula sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila, at karatig probinsya tulad ng Rizal at Pampanga. Naroon lamang anya ang mga ito para sa iligal na droga.

Sa pagsisiyasat, isinagawa ang pagsalakay makaraang makatanggap ng impormasyon si Eleazar mula sa mga residente at opisyales ng Brgy. Culiat hingil sa iligal na aktibidad ng droga sa loob ng Salaam Mosque compound ng naturang barangay.

 Dahil dito, kung kaya agad na ikinasa ng tropa ni Eleazar kasama ang tropa ng Talipapa Police Station-3 sa pangu-nguna ni P/Supt. Danilo Mendoza, dakong alas-6 ng gabi.

Karamihan sa mga naaresto ay pawang nasa loob ng mga itinayong drug den sa may Mujahadin St., Salaam Compound, kung saan nasamsam ang walong piraso ng plastic sachet ng shabu at mga drug paraphernalia.

vuukle comment

PINKY TOBIANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with