^

Metro

May sakit sa isip, nagbigti

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Dahil daw sa  depresyon, isang binata na sinasabing may sakit  sa pag-iisip ang nagbigti sa sarili sa Quezon City kahapon ng umaga.

Kinilala  ang  biktima ng mga  tauhan ng Scene on the Crime Operation (SOCO) ng Quezon City Police District (QCPD) na si Jophel Relano Maico, 30, nakatira  sa No. 407 Rotinio, San Isidro, Parañaque City.

Si Maico ay nakita na lamang ng mga staff ng Psychiatrist center sa Brgy. Amihan sa Quezon City na nakabitin gamit  ang pinagbuhol buhol  na kumot kung saan wala na siyang buhay dahil  sa matinding pagkakasakal ng  leeg at nakaluwa pa ang dila nito.

Nabatid na ang biktima ay pansamantalang naka-confined sa nasabing  center  dahil sa kanyang sakit.

Ayon sa SOCO,  posibleng hindi na nakayanan ng biktima ang sakit na nagdulot ng depresyon sa kanya kaya nagpatiwakal  ito  para matakasan  ang mabigat na problema.

vuukle comment

BRILLANTE MENDOZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with