^

Metro

Bangkay sinunog, binaril 2 biktima ng summary execution

Aurea Calica - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dumadami ang bilang ng mga biktma ng summary execution nang matagpuan  ang isang  sunog na bangkay ng lalaking may tama ng  bala sa ulo sa magkahiwalay na insidente sa Caloocan at Quezon City kahapon ng umaga.

Sinunog at saka itinapon sa tapat ng St. Mary’s Aca-demy sa may 12th Ave. East, Brgy. 97 ng Caloocan City ang biktima ng nasa 20-taong gulang, katamtaman ang katawan, nasa 5’5” ang taas, na  hindi na makilala dahil sa pagkasunog ng balat at suot na mga damit at pantalon.

Sa inisyal na ulat ng Ca-loocan City Police, dakong alas-6:30 ng umaga nang mapansin ng isang motorcycle rider ang bangkay at agad na iniulat ito sa nagpapatrulyang sina PO2 Edward Cleofas at PO1 Emmanuel Bautista na agad na tinungo ang lugar lulan ng kanilang patrol car.

Natagpuan ang bangkay na nakasubsob sa kanal, nag-uumpisa nang maagnas at sunog ang halos kalahati ng katawan dahil sa posibleng paggamit ng gasolina.  Tanging tattoo na “Jhainwel” sa dibdib ang maaaring pagkakakilanlan sa bangkay. 

Samantala, hinihina­lang  pusher naman ang  bik­ti­mang natagpuan sa  Payatas, Que­zon City na may tama ng bala sa ulo.

Sa ulat ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU)  ang bangkay ay nasa pagitan ng edad na 40-46, nakasuot ng kulay orange na stripe T-shirt, short pants, may tattoo na paruparo sa kanang dibdib at  pangalang  “LOROGINO MARDIZON” at “Bos Doglas” naman sa kaliwang braso.

Ayon kay PO2 Julius Cezar Balbuena, may-hawak ng kaso, naganap ang insidente dakong alas 12:45 ng madaling-araw sa kahabaan ng Payatas Road kanto ng Legaspi St., Brgy. Payatas sa lungsod.

Sabi ng isang Dorcas Fernandez, residente sa lugar, nasa loob umano siya nang kanyang bahay nang makarinig siya ng putok ng baril mula sa labas hanggang sa makita niya ang biktima na nakahandusay sa semento na tila wala nang buhay. Agad na ipinagbigay alam ni Fernandez ang insidente sa Batasan hills Police station hanggang sa CIDU para sa kaukulang disposisyon.

Sa pagsisiyasat ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) sa crime scene na­rekober ang isang basyo ng kalibre .45 na baril at isang kapirasong pahayagan na may nakasulat na “Pusher ako huwag tularan.”

vuukle comment

ABU SAYYAF

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with