^

Metro

Permit ng towing companies kanselado -- MMDA

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dahil sa dami ng reklamo na natatanggap laban sa mga illegal operations, maghihigpit na ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa pagbibigay ng accreditation sa mga towing companies sa Metro Manila.

Sinabi ni MMDA Traffic Discipline Office head Crisanto Saruca, na pansamantala muna nilang kakanselahin ang mga ibinigay na accreditation permits sa mga  towing companies at sa halip ay mag iisyu na lamang sila ng provisional accreditation.

Bukod dito, magbibigay na rin sila ng seminar sa lahat ng kawani ng mga towing companies at eksaminasyon na dapat nilang ipasa.

Bunsod nito, maaaring ireklamo ang mga towing companies na patuloy na manghuhuli sa kalsada.

Mayroong 40 towing companies  ang kasalukuyang  binigyan ng accreditation permit ng ahensiya.

Noong nakaraang linggo, isang towing company ang sinuspinde matapos na ireklamo sa ilegal na gawain nito.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with