^

Metro

Binatilyo nalunod sa ilog

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Wala nang buhay nang maiahon sa isang ilog sa Malabon City kahapon ng umaga ang isang 13-anyos na lalaki makaraang tanga­yin ng malakas na agos habang naliligo ito nitong nakaraang Miyerkules.

Nakilala ang nasawi na si Mark John Michael Aries Ruiz, ng Block 6 Lot 21 Magsaysay Extension, Brgy. San Agustin, ng naturang lungsod.

Sa ulat ng Malabon City Police, unang naiulat na nawawala ang biktima nitong nakaraang Miyerkules.  Nabatid na nagkayayaan umano ang biktima at mga kabarkada na maligo sa ilog ngunit hindi na ito nakauwi ng kanilang bahay.

Agad namang humingi ng saklolo ang mga magulang ng biktima sa mga opisyal ng barangay ngunit hindi na makita ang biktima sa kabila ng masusing paghahanap.

Dakong alas-6 kahapon ng umaga nang matagpuan ng kapitbahay na si Marvin Nuñez ang bangkay ni Ruiz sa gilid ng Tonsuya River sa may Magsaysay Extension sa Brgy. San Agustin.

Ayon sa pulisya, posibleng ang biglang paglaki ng tubig at agos dulot ng biglaang pag-ulan na sinabayan pa ng high tide nitong Miyerkules ang dahilan ng pagkakalunod ng biktima.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with