^

Metro

Sumilong sa lakas ng ulan 2 tinedyer biniktima ng 4 holdaper

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nakasama ang pagsilong sa waiting shed ng dalawang tinedyer mula sa buhos ng ulan nang holdapin ng  apat na katao kamakalawa ng gabi sa Navotas City.

Dalawa naman sa apat na suspek ang agad na nadakip at nakilalang sina Jason Dave Macabutas, 18; at Gelly Boy Santos, 20, kapwa ng Block 30 Lot 93 Phase 2 Area 1, Brgy. North Bay Boulevard South, ng naturang lungsod.

Positibong kinilala ang dalawang suspek ng mga biktimang sina Marian Jean Gabriel, 17, estudyante, ng Block 28-A Lot 18 Phase 1 Area 1, Brgy. NBBS, ng naturang lungsod; at Aaron Arensolsolis, 18, ng Block 1 Lot 71 Langaray Market, Caloocan City.

Sa ulat ng Navotas City Police, naganap ang krimen dakong alas-8:50 ng gabi sa kahabaan ng Dalagang Bukid, Brgy. NBBS. 

Nabatid na ihahatid ni Arensolsolis si Gabriel sa bahay nito sa Area 1 nang bumuhos ang malakas na ulan kaya nagmamadali ang dalawa na sumilong sa isang waiting shed.

Dito na sila pinaligiran ng apat na lalaki, tinutukan ng patalim at nagdeklara ng holdap.  Matagumpay na natangay ng mga holdaper ang dalawang cellular phone ng dalawang biktima na may kabuuang halagang P8,500.

Agad namang humingi ng saklolo sa Police Community Precinct-4 ang mga biktima kaya nakilala sa rouge gallery ang dalawa sa mga suspek. 

Nagkasa ng operasyon ang pulisya na nagresulta sa pagkakadakip nina Macabutas at Santos ngunit hindi na nare­kober ang mga tinangay na gamit.

vuukle comment

JOVELYN GONZAGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with