^

Metro

14-anyos patay sa tadyak, suntok

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isang 14-anyos na binatilyo ang nasawi matapos na hindi makayanan  ang suntok at tadyak ng isang lalaki na himanon nito ng away kamakalawa  sa Tondo, Maynila.

Kinilala ang biktima na si Jofrey dela Cruz, Daang-Bakal St., Tayuman, Tondo, Maynila at isang out of school youth. Batay sa report ni PO3 Marlon San Pedro ng Manila Police­ District-Homicide Section, idineklarang patay si dela Cruz makalipas ang  pitong araw.

Nabatid na naganap ang insidente ng panununtok at pananadyak ng isang alyas Jeff sa biktima noong Enero­ 21 sa kahabaan ng Dagupan St. Naghahamon umano ng away ang biktima hanggang sa mairita ang suspek at sinun­tok at tinadyakan ang una. Naawat naman ang suspek sa panununtok at pana­nadyak nito.

Enero 24 na nang makaramdam ng pagkahilo ang biktima kaya noon lamang siya dinala sa Gat Andres Memorial Medical Center  para mabigyan ng atensyong medical na kalaunan ay inilipat naman sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC) dahil sa lumalala nitong kon­disyon. Lumilitaw na batay sa  medical report namatay sa sepsis ang  biktima o pagkalamog ng  katawan na hindi nakayanan nito.

vuukle comment

ACIRC

ANG

CRUZ

DAANG-BAKAL ST.

DAGUPAN ST. NAGHAHAMON

DISTRICT-HOMICIDE SECTION

ENERO

GAT ANDRES MEMORIAL MEDICAL CENTER

JOSE REYES MEMORIAL MEDICAL CENTER

MANILA POLICE

NBSP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with