^

Metro

Binata dedo sa rambol

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Utas ang isang 21-anyos na binata nang gulpihin at pagsasaksakin ito ng hindi pa nakikilalang mga suspek sa isang rambol na naganap, kamakalawa sa Taguig City.

Hindi na umabot ng buhay nang dalhin sa Taguig-Pateros District Hospital  ang biktimang si Jomart Masib, ng Brgy. Central Signal ng naturang lungsod sanhi ng tinamo nitong saksak sa katawan buhat sa isang ice pick bukod pa sa bugbog sarado din ito.

Kilala na ng  pulisya  ang ilan sa mga suspek, subalit hindi muna nila binanggit ang mga pangalan ng mga ito habang isinasagawa ang follow-up operation.

Lumalabas sa report ng Taguig City Police base sa kuha ng CCTV camera ng Barangay Central Signal, naganap ang insidente ala-1:01 ng madaling- araw sa kahabaan ng Martinez St., ng naturang barangay.

Sinasabing isang  grupo ng mga kalalakihan ang nagrambulan kung saan pi­nag­tutulungan ng mga itong gulpihin ang biktima. Matapos ay mabilis na tumakas ang mga suspek at ang biktima naman ay nakitang hindi na makagulapay.

Sinisisi ng ina ng biktima na si Catherine Mora sa barangay, na buhay pa sana aniya ang kanyang anak kung mabilis lamang ang pagresponde ng mga ito.

Pinabulaanan naman ng Barangay Central Cignal ang akusasyon sa kanila kasabay nang pagsasabing tumugon sila sa kanilang tungkulin.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BARANGAY CENTRAL CIGNAL

BARANGAY CENTRAL SIGNAL

CATHERINE MORA

CENTRAL SIGNAL

JOMART MASIB

MARTINEZ ST.

MGA

TAGUIG CITY

TAGUIG CITY POLICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with