^

Metro

‘Goodbye philippines’ sinindihan Lasing, pinasabog ang sarili

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Tuluyan nang nagpa­alam  ang  isang  sidecar boy matapos na yakapin at sinindihan ang ‘‘Goodbye Philippines’’ na uri ng papu­tok, sa Sta. Mesa, May­nila, sampung minuto pagtuntong ng Bagong Taon kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ang biktimang si Ronald Vericio, may live-in partner at residente ng Buenos Aires St., Sta. Mesa, Maynila, na nagtamo ng pinsala sa mukha at leeg at tuluyang inatake o sudden cardiac arrest.

Sa ulat ng live-in partner ng biktima na si Kristina Serrano, na lasing na lasing na ang kanyang asawa kaya ayaw na niya itong palabasin at binawalan na rin na magpaputok sa labas subalit tumakas ito at naki­sali sa pagpapaputok ng mga kapitbahay dakong alas-12:10 ng madaling-araw.

Dahil lasing na umano ay nakitang nagsindi ng ‘‘Goodbye Philippines’’ ang biktima at niyakap ito na ikinagulantang ng mga na­kasaksi dahil pumutok         ito sa kaniyang mukha.

Mabilis siyang dinala sa Ospital ng Sampaloc subalit inilipat sa Ospital ng Maynila dahil sa tindi ng kondisyon.

Nabigo naman ang mga manggagamot sa Ospital ng Maynila na isalba ang buhay ng biktima at bago mag alas 2:00 ng madaling araw ay idineklarang patay.

Samantala, sinabi ng Manila Police District-Ho-micide Section na nag-waive ang pamilya ng biktima na paimbestigahan pa ang kaso dahil aksidente lamang ang pagkamatay ng biktima.

“Hindi na itinawag dito sa Homicide yung kaso nung namatay sa Goodbye Philippines kasi hindi naman siguro subject ng medico legal ang kaso para hawakan pa ng imbestigador, marami nga nagtanong sa amin pero hindi na ito hinawakan ng Homicide, ” ani SPO2 Jonathan Bautista.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BAGONG TAON

BUENOS AIRES ST.

GOODBYE PHILIPPINES

JONATHAN BAUTISTA

KRISTINA SERRANO

MANILA POLICE DISTRICT-HO

MAYNILA

NBSP

OSPITAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with