^

Metro

11-anyos dedo sa sunog

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Hindi nakayanan ng isang 11-anyos na batang babae ang usok na nagsimula sa na­susunog nilang bahay kahapon ng hapon sa Tondo, Maynila.

Kinilala ang nasawing si Maria Jasmin Domingo, resi­dente ng nasunog na bahay na may address na no. 1042 New Antipolo St., Tondo, Maynila.

Sa inisyal na ulat mula sa Manila Fire Bureau, dakong alas-12:00 ng hapon nang magsimula ang sunog sa bahay ng pamilya Domingo at naapula  pagsapit ng alas 12:40 ng hapon dahil sa ma­bilis na pagtutulungan ng mga kapitbahay na mapigil ang apoy at pagdating na rin ng mga bumbero

Walang nadamay na ibang kabahayan subalit bigo na makalabas ng bahay ang biktima na natagpuang patay matapos ang clearing operation.

Patuloy pang iniimbestigahan ang insidente upang matukoy ang sanhi ng sunog at kung gaano kalaking ha­laga  ang napinsala nito.

Samantala, isang sunog din ang sumiklab sa Juan Luna St., sa Tondo, Maynila dakong ala-1:32 sa warehouse na nasa ikaapat na pa­lapag ng KP Tower sa Juan Luna St, panulukan ng Claro M. Recto, Binondo, Maynila.

Umabot sa ikalimang alarma ang sunog na idinek­larang fire out dakong alas- 3:30 ng hapon. Patuloy pa ang imbestigasyon sa sanhi ng sunog.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BINONDO

CLARO M

JUAN LUNA ST

JUAN LUNA ST.

MANILA FIRE BUREAU

MARIA JASMIN DOMINGO

MAYNILA

NEW ANTIPOLO ST.

PATULOY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with