^

Metro

P75-M halaga ng shabu nasamsam

Joy Cantos at Lordeth Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Umiskor ang mga ope­ratiba ng PNP-Anti Illegal Drug Group (PNP-AIDG) kasunod ng pagkakasamsam sa P75-M halaga ng illegal na droga habang ares­tado naman ang dala­wa katao sa isinagawang drug bust operation sa Las Piñas City nitong Miyerkules.

Kinilala ni Chief Ins­pector Roque Merdegia, Spokesman ng PNP –AIDG ang mga nasakoteng suspek na sina Jennifren Saz at Maryrise Butal Dagante.

Ayon kay Merdegia, isinasailalim na sa imbestigasyon ang dalawa kaugnay ng posibleng koneksyon ng mga ito sa big time drug syndicate.

Bandang alas-11 ng uma­­ga nang salakayin ng PNP-AIDG ang isang bahay sa Topman Subdivision sa El Grande Avenue ng lungsod .

Sinabi ni Merdegia na isinagawa ang raid matapos na makatanggap ng report ang mga operatiba ng PNP-AIDG na ginagawa itong drug storage facility.

Narekober sa lugar ang pitong malalaking plastic transparent packs na naglalaman ng droga na tumitimbang ng 13 kilo.

Ang nasabing droga, ayon sa opisyal ay nakuha sa isang kuwarto sa ikalawang palapag ng nasa-bing tahanan. Samantalang ares­tado naman ang dalawang suspek matapos na ang mga ito ang maabutan sa nasabing raid.

vuukle comment

ACIRC

ANG

CHIEF INS

DRUG GROUP

EL GRANDE AVENUE

JENNIFREN SAZ

LAS PI

MARYRISE BUTAL DAGANTE

MERDEGIA

ROQUE MERDEGIA

SHY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with